You see that girl? She looks so happy, right? Telling jokes, smiling, having a great time and… Dying inside. She’s hurt. And tired. Tired of all the drama, tired of being not good enough, tired of life. But she doesn’t want to look dramatic, weak, and attention seeking. So she keeps all inside. Act’s like everything’s perfect but cries at night. So everybody thinks that she’s the happiest person they know. That she has no problems and her life is perfect. If only they knew the truth…
<//3
Grabe, kaninang enrollment kasi, lechepwera lang. Ang daming tao na nakapila yung para sa assessment. Nakasabay yung college. Di ko kaya init. Jusko. Tas ayun, grabe, pumunta kasi kami ng sa likod nun. Magpapa pirma daw ung isa kong classmate sa tita nya para madali, inggit ako, di na nya kelangan pumirma, then pumasok yung isa kong friend pa ung lalaki, dun sa office, tas nakita siya ng mama ni Alayssa “Yung close friend ko”, tas hinanap daw ako, nung nakita ako, kinuha form ko, tas pinapirmahan. Naka short cut. Tas pagka balik, sabi niya “Bukas, pag magbabayad sa sa cashier, ibigay mo nalang din ito sakin, ako na mag asikaso”, grabe, halos mangiyak ngiyak na ko nun. Ang haba din kasi pumila dun para mag bayad. Pero grabe, tinulungan ako ng nanay ng close friend niya na yun.
Takot kasi talaga ako humarap dun, kasi kala ko galit sakin. Naalala ko yung kasalanan ko sa anak niya. Sabi ko kasi mag explain ako eh, kaso ayaw nung friend ko, baka daw lumaki pa yung gulo. Pero grabe, di ko alam, bago lang uli kami nag usap ng nanay niya, kinabahan ako, matapos ng nagawa ko, tinutulungan pa rin niya ko. Di ko alam, basta, ah, ewan, basta, masasabi ko, masaya na rin ako kahit papano. Di ko alam kung anong ginawa ng friend ko. Basta, ewan. Basta, pasasalamat nalang din ako kay Lord. At least, maluwag luwag na rin para sakin.
<//3 May mga tao talaga, kahit gano kalaki kasalanan mo, handa kang intindihin, at tulungan sa mga bagay bagay. :’(
Ay sowi. haha.
denysse:D
Dibale ate denise, may nanay naman ako sa lintik family. Hi Mommy Danyce! :))
:( kayanin mo pa sana.
Yung feeling na kino-compare ka sa kapatid mo.
liljacel: tapos, lagi nalang, kapatid ko yung tama, ako lagi mali. Oo, siya na matino, responsable, boyscout, may alam sa buhay, magaling. Ako na, ako na tamad, hindi girlscout, walang alam sa buhay, laging mali, bobo, tanga, walang utak, burara, hindi responsable.
“Bobo, tanga, walang utak”, kahit paulit ulit nilang sabihin yan, MANHID NA KO. Lagi naman nila yang sinasabi eh. Pero yung kino-compare ako? Kahit paulit ulit niyo yang ginagawa samin ng kapatid ko, naiiyak ako.
Gasgas kaya yun. Lagi nalang kasi eh. Tinatry ko naman eh, tina try ko, pinipilit kong maka sali sa recognition/top sa school, tina try kong masipag kahit napaka tamad ko,tina tary ko maging responsable kahit papano, at tinry kong maging girlscout. Kasi ano?
- Tinry kong maging girlscout, kaso ano?
- Pinahiya ako ng yaya ng kapatid ko sa harap ng maraming tao, kaya tumigil ako.
- Tinry kong maging masipag, kaso ano? hindi niyo pinapansin.
- TInry kong maging responsable, wala kayong pakialam.
- Tinry ko maging top, mababa parin para sainyo.
- Tinry kong gawin yung mga tama para sa inyo KASO WALA KAYONG PAKIALAM.
Kaya wag kayo magtaka kung bakit lumaki akong tanga, bobo, tamad, ganito. Kasi kahit anong gawin kong tama, WALA KAYONG PAKIALAM. Kasi totoo naman eh, paborito niyo kapatid ko. Ako wala. Kung di sana kayo naghiwalay ni daddy, sana may nakakaintindi sakin. Sana naging fair kayo para samin.
At alam ko, kahit anong drama, iyak ko dito, WALA SILANG PAKIALAM.
Puso o isip?
Nabasa ko kasi post ni ate Tin.
Opinyon ko? Sabi ng lola ko, paganahin daw ang utak para daw di masaktan, pero para sa dad ko, sundin yung puso.
Well, para sakin? Kung susundin mo yung puso mo, samahan mo rin ng utak. Kung gagamitin mo utak mo, samahan mo rin yung pag sunod sa puso mo. Bakit? Kung ginamit mo utak mo, pero hindi mo ginamit puso mo, hindi ka nga masasaktan, pero hindi mo alam may nasasaktan ka din palang ibang tao. Hindi pwedeng utak lang, utak lang. Hindi rin pwedeng puso lang puso lang. Kasi kung puro puso mo naman yung gagamitin mo, ikaw naman yung masasaktan, diba? Much better kung gagamitin mo sila parehas. Kung gagamitin mo puso mo, samahan mo ng isip, isipin mo kung makakabuti ba or what. Diba?
Ayon lang sa opinyon ko. May kanya kanya tayong opinyon guys. XD
Pag mainit mag rereklamo.
Pag umulan, kakantahan ng rain rain go away.
Yey! Pinahiram na ko ni mama ng cellphone.
2nd hand nga lang. Hiram nga eh. Taghirap kami sa pera kasi kakapagawa lang namin ng bagong bahay. XD Pag birthday ko, baka sakaling bilhan na nila ko. Naawa na rin siguro. Pero grabe ha. Grabe din yung parusa sakin ni mama. Isang beses palang sa uong buhay ko, ang daming kong cellphone na nasira, pero isa lang nawala ko. Isa lang, pero yung parusa? mga ilang months din akong walang cellphone. Maybe 4 months? 3 months? Pero na keri ko din. XD naawa rin kasi ano nga, pag mag lalakwatcha, para may contact sila sakin, lalo na’t mga 6 na uwian namin ngayong 2nd yr.
Any way, TA me your numbers. i-t-TA ko rin sa inyo yung number ko.
I decided na tumulong sa lola ko sa Baywalk para may sweldo ako.
Lol. Agree na agree si mama. Miss na daw ako ni Lola. Sai niya para daw may pang shopping ako. Wala daw kasi akong ibang ginawa ngayong bakasyon kundi mag computer magdamag dito sa bahay. Haha. Di ko akalain yun yung iisipin niya. Sa isip ko kasi, para may pandagdag sa baon ko ngayong pasukan. Lels. Pag tumulong ako, may sweldo ako. Friday, Saturday, Sunday. Sa isip ko, wag Friday. Kasi nanunuod ako ng Dream. Eh igla kong naalala yung Gandang Gabi Vice. Lol. Anu yun, Saturday lang. Jks. Eh kasi, dun, pag mag trabaho, hapon hanggang madaling araw. Kung maraming tao, hanggang 3am yan sila. Haha. May TV rin dun, kaso kelangan focus sa trabaho.
Ang weird ko no? Kung kelan mag papasukan na, saka lang naisip mag summer job. Nasa huli ang pag sisi pay. XD
Ang saya ko lang. Pasado ako sa lahat ng subjects.
Thank you Loooord. :) Grabe, kala ko may hindi pasado. Kinabahan ako. Lalo na yung sa AP. Jusko. XD Pero buti mga 87 lang ang pinaka mababa kong grade. Pag may isang subject kasi ako ng sa 84 and below, on probation na ko. Hindi pa ko on prob. Science Class student po kasi ako. Wa. Pero 1st yr palang yun. Sabi nila pang warm up pa lang yun. Pero, yung 2nd yr? Kinakabahan na ko. Baka matanggal na ko neto sa sci class or ma on probation.
Pero kaya ko naman daw eh. Kung kaya nila, kaya ko rin. Sabi nila mama sakin. XD Kulang lang daw kasi ako sa self confidence. Lol. Lagi ko kasing tinatanong, bakit hanggang bronze medal at silver medal lang ako tuwing lalaban ako sa Taekwondo Competition. Eh kasi nga wala akong tiwala sa sarili ko. Ayoko rin kasi umasa ng umasa. Pero ngayon, aasa talaga ako. Pero syempre kelangan ding pag tiyagaan diba? Haha.
Thank you Lord. <3
Onga ate eh. Multimedia Arts talaga gusto ko, sure akong ma eenjoy ko yun kasi yun talaga gusto ko dati pa. Kaso ayaw ni mama eh. Kaya iisip ako ng iba. Pero kung 3rd yr na ko at wala pa kong naisip, ay, mag multimedia arts nalang akes. XD Basta, si Lord na bahala muna sakin. haha. Kita kita tayo bukas. :D Este mamaya na pala. XD
sis, dpat maaga ka pa tlga, makapag decide kna. HIRAP kasi e, kpag bgo ka p lang mag fu4th yr, mag-iisip. Wla , share lungs. :))) kya mo yan kafateeed. ktulad ako, tignan mo, nganga n lang ako dto. Char, usta pla? sensya na. bukas na pla enrollment!




